Hiling ng
Pusong Dumaraing
Bayan ay
nangagsiawit
Nang
punong-puno ng galit,
Mamamayang
naiipit
Dahil sa
g'yerang malupit.
Karimlan ay
mananaig,
Sa puso ay
maririnig,
Kapighatiang
daig,
Dahil sa
pag-asang ibig.
Makakamit
pa kaya?
Itong
pag-asang nasira,
Maibabalik
pa kaya?
Kapayapaan
ng masa.
Kabataang
nagmulat
Sa isang
masidhing bayan,
Masasagot
ba ng aklat?
Saya ng
pusong nasaktan.
Dapat na
nating tugunan,
Hibik ng
kapayapaan,
Dugo man
nati'y dumanak,
Dahil sa
g'yerang tumahak.
Henyo
nating Pilipino,
Sa mundong
pabago-bago,
Ang
huhubugin nang husto,
Manaig ang
pagkatao.
Itong asal
na bangkay,
Sa lupain
ay nahukay,
Tayo ay
kanyang inakay,
Sa
kapayapaang pakay.
Ang tulang
Hiling ng Pusong Dumaraing ay nakasentro sa bawat taong may hiling ng kapayapaan,
kapayapaang makakamit pa ba o sadyang maglalaho na.
Katanungang
sinasambit laban sa pag-asang nagniningning. Pag-asa ang nagbibigay liwanag sa
pusong nasadlak sa dusa nang makamit ang kapayapaang hiniling. Hiling sa
kapayapaan, ang tinatanaw ng bawat tao subalit ang kanilang puso na parating
dumaraing ang nagbibigay nang masalimuot na hangganan ng salitang kapayapaan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento