Luhang Nawala!
Ni:
Jonel Catimbang
Umupo sa balkonahe si Aling Conching, nag-aabang na
umuwi ang kanyang tatlong anak dahil may sasabihin siya sa mga ito. Naghintay
siya nang matagal hanggang sa umulan kaya nagluto na lamang siya ng pagkain
dahil malapit na ang pananghalian habang nagluluto ng makakain dumating si
Salvacion ang kanyang anak na nag-aaral sa kolehiyo na nasa ika-apat na taon sa kursong inhenyero.
Matapos magluto ng pananghalian lumabas siya ng kusina
at iniisip niya kung ngayon na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanyang
mga anak na may sakit siyang colon cancer
at nasa stage 4 na ito. Nangangamba
at naaawa siya sa kanyang mga anak dahil maiiwan niya ang mga ito naisip din ni
Conching na hindi pa handa ang mga anak niya na mawala siya dahil si Salvacion
ay nag-aaral pa, si Concepcion ay wala pang matinong trabaho at si Brenda ay
may sakit.
Nagulat siya nang lumapit si Brenda.
“Nay…Nay…gu…tom…na…ako! sabi nito nang mahina.”
Tulala si Aling Conching sa harap ng kanyang anak
ngunit inalog siya ni Brenda kaya bumalik siya sa sinabi ng anak.
“Oo…Oo… anak kakain na tayo, ihahanda ko muna ang
pagkain sa mesa” Tiningnan niya ulit ang kanyang anak na si Brenda at naluluha ito. Naisip niya kung anong mangyayari sa anak
kung mawala siya. Habang kumakain sina Conching, Brenda at Salvacion biglang
bumukas ang pinto at iniluwa nito si Concepcion na kung saan ay wala paring
mabuting nangyari sa pagbibilang niya ng poste sa kanilang bayan.
“Nay luluwas nalang kaya ako sa Davao, tiyak doon maraming
pagpipilian na trabaho para makapagtrabaho na po ako”
“Anak magtiis
ka nalang muna. Hayaan mo na pagbibigyan ka ng Diyos sa iyong kahilingan”.
Pait, sakit
at takot
ang naramdaman ni Conching nang makita
ang tatlong anak na kumakain sa kanyang harapan kaya nangingilid ang luha sa kanyang
mga mata sabay singhot sa ilong.
Araw ng lunes umalis si Conching sa kanilang bahay
para makipagkita sa kanyang doktor. Inaasahan niya na bubuti ang kanyang
kalagayan ngunit mas lalo itong lumala at tinaningan siya ng doktor ng dalawang
lingo lamang. Halos maubos na ang kanyang naipong pera na iniwan ng kanyang yumaong
asawa tanging ang naiwan lamang ay ang lupa nila sa Alamada, 5 ektarya ito at ang
tanim ay niyog at saging. Nakatutulong din ang kita nito sa pag-aaral ni
Salvacion at pangangailangan nila sa bahay.
Sa bahay nakaupo si Brenda sa harap ng TV at tumatawa
nang malakas sabay palakpak ng dalawang kamay. Galit na galit na lumabas ng
silid si Concepcion.
“Hoy!!! Baliw anong ginagawa mo? Nakakabingi ka! Napaka-ingay
mo”.
“A..te…tumi…ti…ngin… ako…ng…T…V...”
Pinuntahan ni Concepcion si Brenda at hinampas ito sa
braso habang niyuyogyog ang katawan ng kapatid”.
“Sabi ko ang ingay mo! Nakakaintindi ka ba? O gusto mo
ingungud kita dyan sa T.V. bwesit kang baliw ka”. Sigaw ni Conception.
Umiyak at nanginginig sa takot si Brenda habang
tumatakbo papalayo sa kanyang kapatid. Narinig ni Salvacion ang nangyari sa
dalawang kapatid at lumabas ito sa silid.
“Ate bakit mo ginawa iyon kay Brenda? Kawawa naman ang
bunso natin”. Wika ni Salvacion
“Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madamay sa
gulo, Ikaw nakita kita kahapon kasama mo naman yong kasintahan mong sugarol”.
Kinabahan si Salvacion baka isumbong siya ng kanyang ate sa kanyang ina kaya nagkibit
balikat nalang siya at tumalikod papasok sa kanyang silid. Dumating si Conching
sa bahay at nanghihina ito, bigla itong umupo sa kanilang sala at tinawag si
Salvacion.
“Anak Salvacion! Pakikuha mo ako ng mainum na tubig”.
Lumabas si Salvacion at nagmamadaling kumuha ng tubig para sa kanyang ina ngunit nagtataka si Salvacion kung bakit
ito namumutla at nanghihina.
“Nay saan po kayo galing?” Tanong ni Salvacion.
“Diyan lang sa tiyahin mo sa labasan, nagtanong kasi
ako kung pwede bang sumali sa kanilang union
ng mga Senior Citizen. “Ganun po ba inay. Sige po mag-aaral mo na ako kasi may pagsusulit
ako bukas”.
Sa itaas ng atik sa kanilang bahay si Concepcion ay may
hinahanap na bagay hinalungkat niya ang mga karton na puno ng ipis at alikabok hanggang
sa may nakita siyang isang “brown envelop”
na may nakasulat na Titulo sa gilid nito. Agad na binuksan niya ang “brown envelop” at nakita niya ang
tanging makakatulong sa kanyang problema. Naisip ni Concepcion na magagamit
niya ito para magkaroon ng pera papuntang ibang bansa. Bininta ni Concepcion ang natatanging lupa na para sa kanilang magkakapatid. Isang
daang libo ang halaga ng kanilang lupa na ibininta niya at ginamit niya ang
pera sa Placement fee pupuntang
Canada. Hindi alam ni Concepcion na ang agency
na pinagkatiwalaan niya ay isa palang peke, walang kakayahang magpadala ng mga
trabahador sa Canada.
Nag-aabang sa labas ng paaralan si Salvacion at
naghihintay kay Roman para masabi niya na nagbunga ang kanilang ginawa. Mataas
na ang sikat ng araw at halos dalawang oras nang naghihintay si Salvacion hanggang
sa maaninag niya ang isang pamilyar na bulto ng katawan ngunit pag lingon niya hindi
pala ito ang taong kanina pa niyang hinihintay hanggang sa nawalan na ng
pag-asa si Salvacion. Isang araw nabalitaan na lamang niya sa kaibigan nito na
sumama pala sa ibang babae si Roman. Nagpupuyos sa galit si Salvacion at lalong
kinabahan kung papaano niya sasabihin sa kanyang ina na halos mag-aapat na
buwan na ang kanyang tiyan hindi man ito halata ngunit mababakas ang maliit na
umbok ng tiyan kung sisiputin nang mabuti.
Makalipas ang isang linggo lalong lumala ang kondisyon
ni Conching, napagpasyahan niya na ito
na ang tamang panahon upang sabihin sa
mga anak ang karamdaman bago mahuli ang lahat. Katabi niya ang bunsong anak na
si Brenda. Hinimas-himas ni Brenda ang kanyang kamay “Brenda mahal kong anak huwag
mong pahihirapan ang iyong mga kapatid maging mabuti at palaging sumunod ka sa
kanila”. Mahina niyang sabi na mangiyak-ngiyak.
Nalaman ni Concepcion na niluko at penirahan siya ng
kanyang agency parang binagsakan ng
langit at lupa si Concepcion sa harap ng establisyemento ng kanyang pekeng agency. Iniisip niya kung papaano niya
ito malulutasan laban sa kanyang ina at mga kapatid ang kanyang ginawa sa lupa
nila.
Dumating sa bahay si Salvacion at namumugto ang mata
galing sa simbahan, doon siya nagpalipas ng sama ng loob kay Roman. Binuhos
niya lahat doon at nagdasal. Ito na ang tamang na panahon na sabihin sa ina ang
kanyang pagdadalang tao. Naabutan niyang nag-uusap si Brenda at Conching sa
sala.
“Nay, may sasabihin po ako sa inyo”. Huwag po sana
kayong magalit” mahina niyang sabi at garalgal ang boses.
“Ano iyon anak ko?”
“Si Roman po iniwan ako” nangiyakngiyak na
nagsasalita.
“ Bun…tis po ako inay nagbunga po ang ginawa namin”
umiyak nang mahina halos na mawalan ng
ulirat si Conching sa kanyang narinig
hindi siya makapagsalita hanggang sa napaupo ito. Biglang dumating si
Concepcion at nakita ang ina na nanghihina.
Lumapit si Concepcion sa ina at naglakas loob na
sabihin ang ginawang pagbenta ng lupa.
“Nay! May sasabihin po ako”
“ Nay patawad po naibenta ko ang lupa natin.
“Niloko po ako ng agency na binayaran ko! Umiiyak ng
malakas.
Nabigla si Salvacion at nilapitan si Concepcion, galit
na galit ito.
“Ano! Bininta mo ang lupa natin? Wala ka talagang
hiya! Mukhang pera ka, hindi mo lang man ba naisip na kailangan natin yan! Bobo
ka talaga, hindi ka nga matanggap-tanggap sa trabaho mo nagpaloko ka pa, ngayon
saan tayo pupulutin?
Nagsalita si Brenda sa magkakapatid.
“A…te Sal..vacion. May kalaro na ako yehey, ang
saya-saya” sabay talon at palakpak
“Ano sinong buntis?” pasigaw na sabi ni Concepcion
Napaatras si Salvacion na namumutla sa sinabi ni
Concepcion.
“Si.. a..te.. Sal..vacion..” sabi ni Brenda na may
ngiti sa labi
Biglang hinarap ni Concepcion at hinawakan sa
magkabilang braso si Salvacion.
“Wow ang galling mo ah! Kung makapagsalita ka ng bobo
sa akin ikaw pala itong mas bobo, akala mo wala kang ginawang kababuyan sa
ating pamilya”
Natigilan sa pagbabangayan ang dalawang magkapatid
nang marinig si Brenda na umiyak nang malakas at niyakap ang ina. Hanggang sa
nagsalita si Conching sa huling pagkakataon.
“Mga anak mahal
na mahal ko kayo huwag niyo pabayaan ang isa’t isa.”
Natulala ang magkakapatid at humagolgol sa pag-iyak.
“ Nay” sabi ng tatlong magkakapatid sabay yakap sa
ina.
Doon nalaman
nina Salvacion at Concepcion na ang tunay na kalagayan ng kanilang ina. Awang
awa ang dalawa sa kanilang ina. Kung hindi lang sana sila busy sa kani-kanilang
buhay sana ngayon ay narito pa ang kanilang mahal na ina. Naisip ng dalawa na
mahirap ang walang ina sa buhay.
Emperor Casino | Shootercasino
TumugonBurahinEmperor Casino is one of the best licensed & regulated kadangpintar online casinos. 인카지노 It was established in 2001, and is one of the oldest casino 제왕카지노 sites in the world. The site