Maikling Pagsasadula
PABOR-RITO
Wawie: Hello? Bunso, ay
hello! ay hello! ate magpapadala pala ako ng pera 50,000 para sa bahay at 10 libo sa tuition at allowance ni bunso,
bale 60 libo lahat at ang maiiwang pera ay para kay mama para sa kanyang
maintenance na amut at check-up.
Ai: Hahahahahaha!,
50,000 sa bahay, 10,000 kay bunso 60,000? Eh! 30,000 lang sa bahay at 5,000 kay
bunso. Ayos na’yun!
Jonel:
Hay!
naku! Ang daming bayarin sa school, tuition fee na 10,000. 5,000 sa
isang subject dumagdag pa ang CTE sa bayarin . Naku! Naku! 15 libo lahat
sana magpadala na si bruhita ng pera.
Ai::Uyy! bunso nandiyan kana pala, may goodnews ako sayo.
Jonel: Hay! Salamat, ano naman yan ate? Nagpadala
naba si ate mawie ng pera kailangan ko na as
soon as posible!
Ai: OO bunso, 35
libo lang eh, limang libo lang para sayo.
Jonel: Ano? Ate? ang
liit naman, kinakailangan ko ng 15 libo yun lahat ng babayaran ko sa school. Naku! Naku! Paano na iyan?.
Kuripot naman ng bruha.
Ai: Oh! Eto,
dadagdagan ko nalang ng limang libo, bale 10,000 lahat ha. Magogrocery ako ano
ba ang mga kailangan mo ng maisabay ko na dadaan ako ng Watsons para mabili ang isang set
ng beauty products ng frontrow, hay! gaganda na naman ako nito.
Jonel: Sa hinaba- haba
ng panahon ngayon ka pa nagbigay ng pera para idagdag sa allowance ko. Hmmm! sayo ba talaga yan galing o baka naman. hahaha…….sige alis nako. Iiwan ko nalang yung
listahan sa table.
Wawie: Tao po? Tao po? Hay!
Naku! parang wala naman atang tao, eh! ako ata ang masusurpresa.
(dumating ang
bagong porche na kotse)
Ai: Pip…pip… sino ba
tong haharang-harang sa daan? Kaembyerna Hoy!
papakamatay kaba?
Wowie: Sis! It’s me don’t you recognize me? It’s me mawuie.
Ai: Ah! Ah! ate? Ah, we- we- welcome
home! Ba’t ‘di ka man lang nag message
sa akin na darating ka na pala ngayong araw nasundo sana kita.
Wowie: Where’s ma?
Jonel: May bwesita pala
tayo? Ate ai! May bago kang kotse? Dumating na pala ang nagmamagaling kong
kapatid? Welcome home!
Wowie: Bunso, namiss kita,
marami akong pasalubong sayo.
Jonel: Pagod ako! Pagod
ako! akyat muna ako!.
Wawie: Sis, saan na ‘yung
sinasabi mong nabili mong lupa at bahay para sa bakasyunan natin? At ‘yung mga gamot
ni mama ang mahal, eh! nakita ko sa mga resibo tag-one
one thousand lang naman pala sabi mo umaabot sa 10,00 yung gastos mo sa maintenance ni mama.
Ai: ah! kasi ate ano,
kinkwentahan mo ba ako?
Jonel: Bakit hindi ba
totoo ate?
Wawie: anong ibig mong
sabihin bunso?
Jonel: Huwag mo akong
matawag-tawag na bunso!
Ai: Huwag kang sumali-sali
Jonel dahil hindi ka kasali sa usapan ng matatanda wala kang modo.
Jonel: Bakit ate hindi
ba totoong kinukupitan mo ang perang pinapadala ni ate mawie sa atin!
Ai: Bakit saan ang ebidensya
mo, Hindi ba ikaw, yung perang binibigay ko sayo nilalakwatsa mo ha, huwag mo akong maduro-duro
Jonel: Hah! naghahanap
ka nang ebidensya, ohh ito resibo! galing sa RD, PALAWAN, ML LHUILER, LBC, WESTERN
UNION , METRO BANK, CHINA BANK, AT JRS.
Ai: Huwag mo akong mabintang-bintangan.
Wawie: Tama na! Parang
hindi tayo magkakapatid! Ikaw Ai, manloloko ka, Bruha ka! wala kang utang na
loob mandurugas matapos mong magpabuntis diyan sa boyfriend mong adik, ako ang gumastos pati sa pag aaral ng anak mo,
wala ka na ngang ibang trabaho kundi bantayan si bunso, si mommy at budyetin
ang perang pinapadala ko buwan buwan na pinaghirapan ko gaganituhin mo pa ako.
Jonel:
Bakit
ate? sino bang may sabi sayong mag-abroad ka at magpakabayani ka sa pamilyang
ito, tapos susumbatan mo kami, hindi mo alam kung anong hirap ang dinanas kong
itaguyod at alagaan si mama dahil wala parati si ate Ai nandoon sa boyfriend n’yang bago,nakikipaglandian.
Ai: Ikaw bunso, iyang
bunganga mo parang pwet ng manok, putak nang putak, at ikaw naman ate alam mo bang
pag-alis mo sobrang hirap kami dito mas kailangan namin yung presensya mo kaysa
sa putang *na mong pera.
Wawie: Punyeta ka! wala
kang modo ang kapal kapal ng mukha mo.
Jonel: Sige magbilangan
tayo ng mga nagawa natin sa pamilyang ito, utang na loob ba kamo ate Ai . Bakit
nung bumukaka ka, sino ang tumulong sayo
noong naghihirap ka? Diba, ako hindi n’yo inisip ‘yung kalagayan namin ni mama,
may sakit din ako noong panahon na iyon, hindi lang kayo ang may problema .
Ikaw ate Wawie
dahil sa pag-alis mo nagkanda leche-leche ang pamilyang ito pati lupang sakahan
natin na naipundar ibenenta mo para dyan sa pag-abroad-abroad mo. Oo na! ikaw
na ang magaling, ikaw na ang matalino, ikaw na talaga dahil sa inyo hindi ako
nakapagtapos ng pag –aaral tingnan ninyo hanggang ngayo grade 6 parin ako.
Ai: Hah! aba
nagsalita nagsalita ang paboritong anak ng nanay ko, kunsabagay bunso, eh! pag
bibigyan. Bakit Jonel pinabayaan ba kita hah? Dahil kung gugustuhin ko lang
hindi na kita inabunuhan ng perang pinapadala ni ate Mawie. Oo! Bumukaka, nagpakasarap,
inanakan at iniwan wala kang pakialam dahil buhay ko ito .
Ikaw ate Mauie,
letse ka matapos mong dinala sa abroad lahat ng perang nanggaling sa sakahan,
hindi mo kami iniwanan, ni singkong duling bago ka umalis kaya bumukaka ako
para makakain kami.
Wawie: Saan na ang cash card ang password ibalik mo sa akin, binibilingan mo ako ng pera bakit hindi
pa ba sapat ang perang pinapadala ko para makabawi. Ikaw bunso, ikaw ang laging
paborito ni mama, ikaw ang laging may bagong damit, school uniform at laruan kami, ako wala… wala… dahil nasa iyo lahat
ng atensyon mabuti pa nga na ako ang magkasakit eh hah!. Ikaw Aii impokrita ka di ako nagkulang sa
pagpapadala hindi mo lang man inisip kung anog hirap at sakit ang naranasan ko
don sa New York, hindi na nga ako nakapag asawa tapos ikaw maglalandi at mag shoshopping kalang, kita mo nga naman
ang kapal ng muka mo.
Aiii: Wala saakin ang card cash at password nito na kay bunso,
Oo na makapal na mukha ko!
Jonel: Ah! Ah! Ah! Ate…
ate.. hindi ako maka hinga hindi ako
makahinga inaataki ako ng highblood ko
Aii
at Wawie :
Bunso! Ang card cash at passworddddddd (sigaw)
Took toolaok
Jonel: Ahhhhhhhhhhyy! Ang
sama naman ng panaginip ko kaloka.
Ai: Bunso.. bunso..
bumababa kana jan andito si ate mawie luto na ang umagahan baba na dali
Jonel: Ate mawie!
Wawie: Bunso pasensya
na ‘di ako nakarating sa graduation mo
sa grade 6.
Jonel:
Ate
okay lang yun, basta ligtas at ayos ang ating pamilya
Wawie, Jonel at Ai
Nagyakapan…….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento