Lunes, Disyembre 4, 2017



                              Ang papel na ito ay isang kompilasyon ng Teoryang Sosyolohikal. Ginawa ito ng may-akda bilang bahagi ng pangangailangan sa asignaturang Pagsusuring Pampanitikan.

                             Nagpapasalamat ang may-akda sa kanilang guro sa Pagsusuring Pampanitikan na si G. Romuel T. Daingan.
                            Pinasasalamatan din ng may-akda ang mga taong nagbigay ng kanilang dunong, oras at panahon upang matapos ang gawaing ito, lalong-lalo na ang mga may-akdang kinunan ng pahayag at datos.

                                                                        Teoryang Sosyolohikal


Introduksyon:


             Ang Teoryang Sosyolohikal ay nagpapakita o naglalarawan ng kalagayan at suliraning panlipunan ng isang lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan bilang tagapagbigay buhay sa isang salaysayin upang sugpuin ang mga suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa na mabigyang solusyon ang mga katulad na suliranin.


Teoryang Sosyolohikal:

            Ang pananaw ng toeryang Sosyolohikal ay makikita ang ugnayan ng panitikan at ng lipunan. Ang akda ay iniluwal sa isang partikular na panahong kinamalayan ng manunulat. Sa pagsusuri ay hindi sapat na tingnan lang ang akda kundi gayundin ang lipunan kung saan nagkahugis ang kaisipan at mga karanasan ng manunulat upang ganap na maunawaan ang mensaheng taglay ng kanyang akda; Julian et. al.Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan (2nd Edisyon).


           Ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.


         Binibigyang diin ang pagtatalakay sa kapaligirang panlipunan na nagpapalalim at nagpapatingkad sa paksa. Ito ay ekstinsyon ng historical na pananaw. Nagbibigay diin din sa usapin tungkol sa kahalagahan at pananagutang panlipunan (social relevance and commitment).


       Sa pagsusuri gamit ang pananaw sosyolohikal ay nararapat ding pag-aralan ang kasaysayan sapagkat masasalamin nito ang kalagayang inilahad sa akda; Julian et. al.Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan (2nd Edisyon).


         Ayon kay Auguste Comte ang Ama ng Sosyolohiya, na sinipi ni Lebre (2016). Ang mga nangyayari sa lipunan tulad ng pang-aapi sa mga manggagawa ay hindi problema. Ito ang batas ng kalikasan. Kailangang tanggapin ng mga manggagawa ang kanilang kalagayan. Ito ang pananaw ni Auguste Comte sa mga nangyayari sa lipunan noong binuo niya ang terminolohiyang sosyolohiya. Para sa kanya, hindi kailangang magkaroon ng rebolusyon bagkus ay tanggapin ng mamamayan ang naghaharing sitema.


           Ayon naman kay Herbert Spencer na sinipi ni Lebre (2016)ang mga nangyayari sa lipunan ay bunga ng ebolusyon. Anglipunan ay magmumula sa pinakababang antas patungo sa pinakamataas na antasdahil ito ang sadyang landasin ng lipunan. Dahil ganito ang sitwasyon, hindi dapattulungan ang mga naghihirap sapagkat nangangahulugan itong hindi sila nararapat sapinakamataas na antas ng lipunan.


Pananaw Sosyolohikal

1. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa mga buhay ng mga tauhan at ng mga pwersa ng lipunan o umiiral na suliranig panlipunan.
2. Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ay naging pangunahing paksa rito.
3. Pinahahalagahan ang kalayaan at kaisipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.


Tagapagtagguyod:



Auguste Comte

           Si Isidore Auguste Marie François Xavier Comte (Enero 19, 1798 – Setyembre 5, 1857), mas kilala bilang si Auguste Comte, ay isang pilosopong Pranses. Siya ang nagtatag ng disiplina ng sosyolohiya at ang doktrina ng positibismo. Siya ang tinaguriang Ama ng Sosyolohikal.


Rogelio R. Sikat



          Si Rogelio R. Sikat (kilala rin bilang Rogelio Sícat) (26 Hunyo 1940-1997) ay isang Pilipinong piksyunista, mandudula, tagasalinwika, at tagapagturo. Umiikot sa panlipunang kaganapan ang kanyang mga akdang isinulat.


Halimbawa:



Mag-anak na Cruz
ni Liwayway Arceo


BUOD



                  Ang Mag-anak na Cruz ay nagbubukas sa unang mga taon ng pagiging mag-asawa nina Remy at Tinoy, kung saan ay kakalipat lamang nila ng tahanan at sanggolpa lamang ang panganay nila na si Baby. Muling nag-aral si Tinoy upang makakuha ngmas marami at mataas na oportunidad sa trabaho kasabay nito ay naging matagumpaynaman ang patahiang pinundar ni Remy. Nagkaroon pa sila ng isa pang anak nababaeng pinangalanang June. Sa pagtitipid at pagsisikap ng mag-asawa guminhawaang kanilang buhay,nakapagpatayo na sila ng isang bahay-bakasyunan sa probinsya.
            
                   Ang kanilang mga anak ay nakapagtapos na rin sa kolehiyo, si Baby ay kumuha ng Home Economics samantalang si June ay naging isang nars. Nagtungo sa Amerika siBaby at doon na nag-asawa, at si June naman ay ikinasal sa isang doktor. Sa pagbuong pamilya ng dalawang nilang anak, naging kaakbay nila ang mga magulang bilangmapagmahal na lolo at lola sa kanilang mga apo. Wala nang mahihiling pa ang mag-asawa sa biyayang natanggap at patuloy na nakakamit kayat nang kumatok angpanibagong regalo sa magkabiyak na Cruz, mabigat man sa loob ni Remy tinanggapniya ang amuki ng asawa na magtungo sa Estados Unidos. Sa paglisan sa sarilingbansa,sa kanyang gunita ay sumirit kaagad ang muling pagbabalik.






Pagpapaliwanag

                       ANG MAG-ANAK NA CRUZ, sa pamagat pa lamang ng akda maaaninag na angpagiging karaniwan ng salaysay at ang pagtuon sa ugnayan ng isang pamilya.Sumandig ang nobela sa pangkalahatang paksa na “Ang pamilya ay ang pinakamaliit atpinakamahalagang yunit ng lipunan na larawan ng buhay ng isang bansa”. Kung angtitulo lamang ang pagbabatayan maaring magkamali ang isang mambabasa, ito’y dimakatawag-pansin na tila walang silbi na pag-aksayahan ng oras ngunit sa paggalugadsa mga kaganapan masusumang ang nobela ay masining at immortal na obra.Nagtutumining ang maraming teoryang pampanitikan dito, isali pa ang iba’t ibanguri ng nobela na ikinapit ng may-akda sa kanyang likha. Bagamat maraming mgatauhan na likas na katangian ng isang nobela, ang bawat karakter, maliit man omalaking papel ang ginampanan ay nagkomplimentaryo upang maisiwalat ang mgawastong kaasalan, isyu, kamalian, kultura at tradisyon, at kaisipang binigyang-diin ng may-akda. 

                     Sa kabilang banda angpagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ay di maligoy kawangis ng mga salitangginamit na halos pawang neutral.Sa pangkalahatan, angkop ito sa lahat ng antas at uri ng nilalalang, mataas omababa man ang pinag-aralan o katayuan sa lipunan, matanda o bata, lalaki man obabae, madaling


malirip ang nobela at maghahatid ng kritikal na realisasyon sa makababasa, kung anoman ito, tanging ang bumasa ang makaaalam.




TATA SELO
ni Rogelio R. Sikat


BUOD
                      Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mgatao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-aring lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalitnaisanla niya at naembargo.Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sakanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo namalakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ngKabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamangpropitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.

                    Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'ynakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit itomakalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipannalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawagsi Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindinakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusanupang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ngbata, hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.


Pagpapaliwanag


                         Sa pagsusuri gamit ang pananaw sosyolohikal ay nararapat ding pag-aralan ang kasaysayan sapagkat masasalamin nito ang kalagayang inilahad sa akda. Ang akdang "Tata Selo" ay inilathala noong 1963, ang panahon kung kailan sinimulan ang repormang panlupa o Agrarian Reform sa ating bansa. Gayunpama’y sinasa!ing hindi ito tunay na reporma sapagkat hindi naman nagkamit ng ginhawa ang mga magsasaka at sa halip ito ay naging kasangkapang pampulitikang nagamit ng ilang pulitiko upang sila’y maluklok sa pwesto. Angkop suriin ang kuwentong "Tata Selo" gamit ang pananaw na ito sapagkat sinasalamin nito ang kabiguan sa pagpapatupad ng dapat sana'y tunay na repormang panlupa. pinakita sa akdaang kaapihang dinanas ng isang dukha at mangmang na magsasaka sa kamay ng kabesang nagmamay-ari ng malalawak na lupaing nagtangkang umagaw sa lupang minana pa niya sa kanyang mga ninuno at naglugso pa sa puri ng kanyang kaisa-isang anak. 
              
                           Sa kabuuan ng kuwento ay ipinakita ang kalupitan at kawalang katarungan ng isang !ulok na sistem sa kaawa-awang biktima. Tanging ang isang mahirap na !atang magsasaka ang naging karamay ni Tata Selo sa panahon ng kanyang kasawian subalit katulad din ng totoong lagay ng ating lipunan, samundo ng mga makapangyarihan at mayayaman, ang dukha at mangmang na tulad niya ay walang !oses upang ipagtanggol ang isa pang mahirap at mangmang ding tiktimang tulad ni Tata Selo.



Sanggunian:


https://prezi.com/hkwxfcb94mgv/teoryang-sosyolohikal/
https://www.scribd.com/doc/172826088/Teoryang-Sosyolohikal
https://www.scribd.com/doc/274507335/BUOD-NG-KWENTONG-TATA-SELO-docx
https://prezi.com/isyhzvrhvk4v/teoryang-sosyolohikal/
Lebre, Jessa V. (2016).Sosyolohikal: Paralelismo ng Kwentong Lising Singkol at Katotohanang Panlipunan,Document Slide.


-Maraming Salamat po! :)








Walang komento:

Mag-post ng isang Komento