Mala-Masusing
Banghay Aralin sa Filipino
Konsepto:
Sa pamamagitan ng pag-unawa at paglalahad ng tula naipapakita natin ang
kasiningan nito.
I.
Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a.
naibibigay ang katuturan ng Tula,
b.
nailalahad ang iba’t ibang paraan sa
paglalahad ng Tula; at
c.
napapahalagahan ang Tula sa pamamagitan
ng makasining na paglalahad.
II.
Paksang-Aralin:
Paksa: Tula at ang Paraan sa paglalahad nito.
Kagamitan: Projector, PPT, Printed Materials,
Video presentation, Chalk at Chalkboard, at Audio Media.
III.
Pamamaraan:
a.
Panalangin
b.
Pagbati
c.
Pagtala ng lumiban
d.
Pagbabalik-aral
1.
Pagganyak
Pag-aayos
ng mga letrang “TULA” na nakabaligtad kaakibat nito ang kahulugan at pagkatapos
ipapadikit ng mag-aaral sa blackboard at magpapakita sila ng isang larawan
gamit ang kanilang sarili tungkol sa expresyon ng taong tumutula o naglalahad
ng tula.
2.
Paglalahad ng Aralin (Aktibidades)
Ang
mag-aaral ay manonood ng paglalahad ng tula.
3.
Pagtatalakay sa Aralin ( Analisis)
Naibibigay
ang katuturan ng tula, at
Natutukoy
ang iba’t ibang paraan sa paglalahad ng tula sa pamamgitan ng pagpapakita ng
mag-aaral sa konsepto nito.
4.
Paglalahat ( Abstraksyon)
Paglalahad
at pagsasaayos ng guro sa konseptong ipinakita ng mga mag-aaral tungkol sa:
a.
Katuturan ng tula
b.
Iba’t ibang paraan sa paglalahad ng
tula.
5.
Paglalapat (Aplikasyon)
Ipapangkat
ang mag-aaral sa 3-5 upang maglahad ng isang tula sa makasining na paraan.
Pamantayan
sa Paglalahad ng Tula
Wastong
bigkas,diin,antala at hinto=30%
Wastong
galaw,tindig at ekspresyon ng mukha=30%
Pagkamalikhain
at pagkamasining sa paglalahad=40%
Kabuuan=100%
IV.
Ebalwasyon
Sa kalahating papel sagutin ang
mga sumusunod:
1.
Ano ang katuturan ng tula?
2.
Ibigay ng iba’t ibang paraan sa
paglalahad ng tula.
3.
Paano mo mapapahalagahan ang kasiningan
ng tula?
V.
Takdang-Aralin
Sa
isang kalahating papel, isulat ang elemento ng tula at ang kahulugan nito.
salamat. nagkaroon ako ng ideya paano gumawa ng banghay - aralin na proyekto namin sa Filipino.
TumugonBurahinmahusay! Binabati kita :)
TumugonBurahinMahusay at napaka detalye!! Good job! !
TumugonBurahinMagaling
TumugonBurahin