Lunes, Disyembre 4, 2017

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Filipino
Konsepto: Sa pamamagitan ng pag-unawa at paglalahad ng tula naipapakita natin ang kasiningan nito.

I.                   Layunin: Sa loob ng isang oras na talakayan, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a.       naibibigay ang katuturan ng Tula,
b.      nailalahad ang iba’t ibang paraan sa paglalahad ng Tula; at
c.       napapahalagahan ang Tula sa pamamagitan ng makasining na paglalahad.

II.                Paksang-Aralin:
            Paksa: Tula at ang Paraan sa paglalahad nito.
            Sanggunian: https://documents.tips/documents/ang-tulappt.html
  Kagamitan: Projector, PPT, Printed Materials, Video presentation, Chalk at Chalkboard, at Audio Media.

III.             Pamamaraan:
a.       Panalangin
b.      Pagbati
c.       Pagtala ng lumiban
d.      Pagbabalik-aral
1.      Pagganyak
Pag-aayos ng mga letrang “TULA” na nakabaligtad kaakibat nito ang kahulugan at pagkatapos ipapadikit ng mag-aaral sa blackboard at magpapakita sila ng isang larawan gamit ang kanilang sarili tungkol sa expresyon ng taong tumutula o naglalahad ng tula.

2.      Paglalahad ng Aralin (Aktibidades)
Ang mag-aaral ay manonood ng paglalahad ng tula.

3.      Pagtatalakay sa Aralin ( Analisis)
Naibibigay ang katuturan ng tula, at
Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa paglalahad ng tula sa pamamgitan ng pagpapakita ng mag-aaral sa konsepto nito.

4.      Paglalahat ( Abstraksyon)
Paglalahad at pagsasaayos ng guro sa konseptong ipinakita ng mga mag-aaral tungkol sa:
a.       Katuturan ng tula
b.      Iba’t ibang paraan sa paglalahad ng tula.

5.      Paglalapat (Aplikasyon)
Ipapangkat ang mag-aaral sa 3-5 upang maglahad ng isang tula sa makasining na paraan.
Pamantayan sa Paglalahad ng Tula
Wastong bigkas,diin,antala at hinto=30%
Wastong galaw,tindig at ekspresyon ng mukha=30%
Pagkamalikhain at pagkamasining sa paglalahad=40%
Kabuuan=100%

IV.             Ebalwasyon
                Sa kalahating papel sagutin ang mga sumusunod:
1.      Ano ang katuturan ng tula?
2.      Ibigay ng iba’t ibang paraan sa paglalahad ng tula.
3.      Paano mo mapapahalagahan ang kasiningan ng tula?

V.                Takdang-Aralin
Sa isang kalahating papel, isulat ang elemento ng tula at ang kahulugan nito.


4 (na) komento: