Wikang Filipino: Bilang Wikang
Pantulong sa Akademya
Batay
sa Konstitusyong 1987, Artikulo 14 Seksyon 6-9 na ang Filipino ay ang opisyal
na wikang pambansang ng Pilipinas, malinaw rin na ito ay dapat gamitin,
paunlarin at pagyamanin sa pamamagitan ng paggamit nito sa buong kapuluan.
Ang
wikang Filipino ay pinagyaman sa pamamagitan ng paggamit nito sa paaralan, sa
iba’t ibang larangan at disiplinang pangkalinangan. Isa na rito ang paggamit
nito sa mga asignaturang English, Math, Science at Araling Panlipunan bilang
wikang pantulong sa pang-akademyang asignatura.
Ayon
sa talumpati ni Dr. Rosales mula sa
aklat ni Carpio (2012 pg.46), Ipinahayag rin ng mga sikolohista na ang Filipino
ang wikang gustong gamitin ng mga bata sapagkat mas higit nila ito nauunawaan
at malinaw silang nakakapapahayag ng damdamin. Nagkakaroon ng kaalamang pandama
o perceptual knowledge na kung saan
mas higit na mabilis ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nakasanayan.
Ang
mga gurong nagtuturo ng Ingles ay mismong nagpahayag na isinasalin nila ang
kanilang panutong Ingles patungo sa Filipino, ganoon na lang din sa kanilang
pagpapaliwanag (Carpio, 2012).
Ipinahayag
rin ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin sa paggamit ng wikang Filipino
bilang wikang pantulong sa Akademya “ Magandang pamamaraan ang paggamit ng
Filipino sa pagtuturo upang mapaunlad at tataas ang antas ng pampagkatuto
sapagkat naipapahayag namin ang aming sariling kaisipan”.
Pinatutunayan
din ito ni Berongoy (2016) sa kanyang pananaliksik na may pamagat na “Ang
Impluwensya ng Wikang Filipino bilang Pantulong na Panturo sa mga Asignaturang Itinuturo sa
Wikang Ingles” base sa resulta ng kanyang pag-aaral, lumabas na madalas
ginagamit ang wikang Filipino sa bilang wikang pantulong sa pagtuyturo ng mga
asignaturang itinuturo sa Ingles katulad ng Science, Mathematics, English, TLE
at MAPEH, ipinahihiwatig lamang nito na
ang wikang Filipino ay nakakatulong sa pag-angat ng pampagkatuto ng mga
mag-aaral.
Sa
kabuuan, ang wikang Filipino ay naging tulay sa mataas na pagkatuto ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga guro, sa pagbibigay panuto,
pagpapaliwanag, pagsagot sa katanungan sa iba’t ibang asignaturang itinuturo sa
wikang Ingles.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento